I-link ang existing Philippine prepaid number sa active Pinoy or Pinoy+ plan. Sa bawat eligible renewal ng kini plan, magdadagdag ng ₱10 load credit sa linked Philippine number para makatulong na mapanatili itong active.
I-link ang iyong number
Siguraduhing may active Philippine prepaid number ka sa Smart, TNT, Sun, Globe o TM. Hindi pa supported ang Philippine postpaid numbers.
Philippine Provider SMS Format Smart / TNT / Sun PHSMART63XXXXXXXXXX Globe / TM PHGLOBE63XXXXXXXXXX - Buksan ang messaging app at mag-send ng SMS sa 1888 mula sa kini line gamit ang tamang format sa ibaba.
Palitan ang XXXXXXXXXX ng 10-digit Philippine mobile number at alisin ang leading 0. Huwag maglagay ng spaces o brackets.
Halimbawa, kung 09181234567 ang Smart number, i-text ang PHSMART639181234567 sa 1888.
- Maghintay ng confirmation SMS na successful nang na-link ang iyong Philippine number.
Paano gumagana ang load credit?
Kapag linked na ang number, makakatanggap ito ng ₱10 sa bawat eligible Pinoy o Pinoy+ plan renewal.
Ang credit ay mapupunta sa Philippine prepaid number, hindi sa Canadian kini account. Panatilihing renewed ang kini plan at sundin ang requirements ng Philippine provider para manatiling active ang prepaid number.
Number port-in ba ito?
Hindi. Ang pag-link ng Philippine number ay hindi nagpo-port nito sa kini. Mananatili ang number sa Philippine provider at dapat mong panatilihin ang SIM o eSIM nito. Renewal load credit lamang ang service na ito; hindi nito fino-forward ang calls o texts papunta sa Canadian kini line.
Kapag na-set up na, hindi na mapapalitan ang Philippine number. Maaari mong i-cancel ang service anumang oras sa customer support.
Kailangan ng tulong?
Makipag-ugnayan sa customer support by calling 1888 gamit ang kini line, o +1 (877) 822-1888 gamit ang ibang phone. Maaari ka ring mag-email sa support@kinimobile.com.