Para makagamit ng voice calling sa kini, kailangang suportado ng phone mo ang VoLTE (Voice over LTE) sa aming network.
Bago magsimula
Siguraduhin na:
- Unlocked ang phone para magamit sa ibang mobile providers.
- Naka-install ang latest software updates.
- May active na kini physical SIM o eSIM.
Ang support sa 4G o 5G data ay hindi awtomatikong nangangahulugang supported din ang VoLTE sa TELUS network. Maaaring mag-iba ang compatibility depende sa model, software at bansang pinanggalingan ng phone.
I-check ang VoLTE settings
Maaaring mag-iba ang menu names depende sa device at software version. Kung dalawang SIM ang gamit mo, piliin muna ang kini line.
iPhone
- Buksan ang Settings → Cellular o Mobile Data.
- Piliin ang kini line, pagkatapos ay Cellular Data Options → Voice & Data, kung available.
- I-enable ang VoLTE kung may switch.
Karamihan sa iPhone ay automatic na nag-e-enable ng VoLTE, kaya maaaring walang hiwalay na VoLTE switch.
Android
- Buksan ang Settings → Connections → Mobile Networks, o Network & Internet → SIMs.
- Piliin ang kini SIM.
- Hanapin ang VoLTE calls, 4G calling, HD Voice o Enhanced LTE at i-on ito kung available.
Some Android phones enable VoLTE automatically. You can also search for “VoLTE” or “4G calling” in Settings.
Need help? Kailangan ng tulong?
Call 1888 from a kini line or 1-877-822-1888 from another phone. Have your phone’s exact model number, IMEI (Dial *#06# on your phone’s dial pad) and country of purchase ready so we can help check compatibility.
Tumawag sa 1888 gamit ang iyong kini line, o sa 1-877-822-1888 kung ibang phone ang gamit mo. Ihanda ang exact model number ng iyong phone, IMEI (i-dial ang #06# sa dial pad ng iyong phone), at kung saang bansa ito binili para matulungan ka naming i-check kung compatible ang iyong device.