Lumipat sa eSIM / Physical SIM

Article banner - switch to eSIM or physical SIM

Gusto mong palitan ang uri ng SIM na ginagamit mo sa kini o ilipat ang eSIM sa ibang device? Makipag-ugnayan sa customer support para ma-arrange ang switch para sa existing line. 

Bago magsimula  

Panatilihing available ang current SIM o eSIM hanggang makumpleto ang switch. Kailangang i-verify ng customer support ang SIM ownership bago gumawa ng changes. 

Lumipat sa eSIM  

Maaari kang  

  • Lumipat mula sa physical SIM papuntang eSIM. 
  • Ilipat ang eSIM sa ibang device. 
  • Palitan ang eSIM para sa nawala o sirang device. 

Kakailanganin mo ang:

  • Wi-Fi connection 
  • Access sa email address na tatanggap ng eSIM instructions, at  
  • eSIM-compatible na phone 
    1. I-check kung supported ng phone ang eSIM sa pamamagitan ng *#06#. Kung may EID number, supported ang eSIM.

      I-check kung supported ng phone ang eSIM sa pamamagitan ng *#06#. Kung may EID number, supported ang eSIM. 

    2. Tumawag sa 1888 mula sa active kini line para mag-request ng switch. 
    3. Kumpletuhin ang ownership verification at sundin ang instructions ng support team. 
    4. Kapag natanggap ang eSIM activation email, kumonekta sa Wi-Fi at sundin ang installation instructions. 
    5. Kapag kumpleto na ang switch, i-test ang calls, texts at mobile data. 

Ang bawat eSIM QR code ay isang beses lamang maaaring i-install. Kapag dinelete ang eSIM, hindi ito ma-reinstall gamit ang parehong code.

Mula eSIM papuntang physical SIM  

Makipag-ugnayan sa customer support para i-check ang available options at ma-arrange ang physical SIM para sa existing line. 

Huwag i-delete ang current eSIM hangga’t hindi kinukumpirma ng support na kumpleto na ang switch. Kapag sinabing puwede na, i-insert ang physical SIM at i-test kung gumagana ang calls, texts, at mobile data mo.

Ililipat ang eSIM sa ibang phone?  

Hindi maaaring gamitin ulit ang existing QR code sa ibang phone. Makipag-ugnayan sa support para sa eSIM transfer at panatilihin muna ang eSIM sa lumang phone hanggang may ibang instruction. 

Kung hindi makakonekta ang bagong SIM 

  • I-restart ang phone. 
  • Siguraduhing enabled ang kini line. 
  • Kung dual SIM ang device, piliin ang kini para sa calls at mobile data. 
  • Kumpirmahin sa support na kumpleto na ang switch. 

Kailangan ng tulong?   

Makipag-ugnayan sa customer support by calling 1888 gamit ang kini line, o +1 (877) 822-1888 gamit ang ibang phone. Maaari ka ring mag-email sa support@kinimobile.com.

Blog Topic
Article slug
switch-sim